Linggo, Abril 24, 2011

in a relationship

naisipan kong magdagdag ng blog entry dahil nababagabag ako. isang moral dilemma. mababaw lang pero wag na muna natin pag-usapan dito.

naisip ko lang, random, masyadong hot topic sa facebook kapag nagpapalit ng relationship status ang mga tao. kung ako, hindi ko ata gugustuhin ang ganoong atensiyon mula sa mga tao lalo na kung hindi naman talaga ako malapit sa kanila.
kasi naman, gawain kong tumingin sa mga facebook page ng bf/gf ng mga kakilala ko at iisipin ko kung bagay sila, bakit naging sila, tatagal ba sila, etc.

ayoko ganunin ako. haha kaya hindi ko talaga gusto maglagay ng mga ganun sa isang napakapublikong "lugar". malay ko ba kung sino ang titingin at mangungutsa/ maiinggit o kung anuman. sky's the limit na ang mga trip ng tao ngayon, mahirap na.

ganoon din sa mga fb posts, in general, nakaka-high blood ang mga wrong grammar, mga photo album na title ay "me myself and I" (P^&@ ^#a lang maging creative ka naman chong), status na maraming naglike kahit walang kwenta, o mga payabangan (eating @turo turo yum! o kaya Christmas here in @New york sa cubao naman pala). kairita. imba.

nakakatawa na nakakainis na masaklap din. Lalo na kapag parang napakakitid ng perspektiba ng mga taong ito. (parang ako malawak, steady lang).

sige magpost ka lang ng magpost at makikita yan ng 500+ friends mo, sa tingin mo ba may naidudulot itong mabuti? may magbabago ba?  baka may nairita lang.

simula ngayon gagamitin ko na lamang ang facebook para kausapin ang mga kaibigan (dahil magastos magload at nagtitipid magreply yung iba), mag-add ng mga bagong kakilala at siyempre, mang-istalk.

happy easter c:

Lunes, Abril 11, 2011

kung baga sa bigas

kailan kaya ako makakabalik sa UP para bumili ng mga bagong libro.

gusto ko na ulit magbasa. pero hindi nga pala ibinalik ng nanghiram yung kopya ko..



:c sino kaya yun?



Kung baga sa bigas

Sabado, Abril 9, 2011

they might say 'hi' and I might say 'hey'

kahit labis akong kuripot, pinatulan ko ang imbitasyon ni kuya na manood ng bruno mars. Siyempre ako nagbayad ng sarili kong ticket. haha

perstaym ko nanood ng concert ng foreigner kaya medyo na-excite ako. Nag-alangan din ako manood kasi napakamahal naman at hindi ako sigurado kung magaling ba talaga itong si Bruno Mars (a.k.a Jericho Rosales sabi ng lalaking nakasabay ko sa pagbaba ng hagdan sa araneta).

Pagpatak ng ala-sais medyo patakbo pa kong umalis ng opisina kasi excited.

Pagdating ko, nagkakagulo ang mga tao, si younghusband lang pala.

Lampas alas otso nagsimula ang palabas.

Nagsimulang sumakit ang tenga ko nang marinig ko ang bata sa likuran ko na nagsabing "Oh my god, look at the back, it's soooo puno"

(#$#%# batang ito, mag-Iingles ka na lang din, di mo pa galingan. kung ako nanay mo sinampal ko na bibig mo. saan ka ba pinag-aaral, sigurado kong mahal ang matrikula mo diyan)


Front act si juris, walang pumansin.

Kasunod si Micheal Copon. (sino daw?)
Benta na sana sa 'kin si Micheal Copon kasi naman, hotness.

Pero, pero, may pinakita siyang video, bagong release daw.

Sa Cavite ginawa ang shooting para sa video. Aba, ang ganda.

Maya-maya pinakita na may isang bungkos siya ng pera, may tig isang daan at tig bente.
Habang pinagkakaguluhan siya ng mga bata, nag-aabot siya ng pera. Mukhang balak niya atang palitan si Willie (hala Willie lagot ka..).

Boring, next.. Bruno Mars na please, pumapatak metro ko kada minuto..


Matapos ang napakatagal na tilian lumabas na rin si Bruno.





idol. ang galing.


Sulit naman pala ang ibinayad ko. Sana lang di siya matulad sa iba na sumobra sa paggamit ng drugs, alkohol, babae.

Mukha namang "passion" talaga niya ang pagkanta at pagtatanghal.

Ilang beses din niyang sinabi sa audience na tumayo at sumayaw. Pero siyempre, ang mga Filipino, tatayo, mga ilang minuto lang uupo na ulit.

Nabanggit niya na dati sa mga bar at club lang siya kumakanta. Sa tingin ko, malaki ang sinakripisyo niya para sa kanyang musika. Siguro nakaranas din naman siya ng takot na baka walang patunguhan ang pagkanta niyang ito, pero hindi siya nagpadala sa takot.

Ayan, billionaire na siguro siya, hindi malayo.

ang galing.

Sabado, Abril 2, 2011

Bakit calculus

Hindi ako fan ng regrets sa buhay kaya gusto kong bigyan ng katwiran ang pagkuha ko ng Meco sa kolehiyo. Sa totoo lang gusto ko talaga ng eco pero parang ang boring kung eco lang, nakita ko yung meco sa course list kaya pinatulan ko 'to. Hindi rin naman ako nagsisi dahil...


Nabago ng calculus ang buhay ko sa maraming paraan.

1) hindi ko blockmates ang kaklase ko sa 6-unit class na ito, shet, gulp, f%*&.

wala akong kakilala. (nightmare para sa isang freshman na nasa second sem na)

naupo ako sa dulo para di ako mapansin ng mga tao, pero dahil ang mean ng mundo, kailangan magpakilala sa klase. ang alam nila block lang nila ang magkakasama kaya ang expression sa mga mukha nila lalo na 'tong jock na to ay "dude-what's-this-clueless-little-girl-doing-here?" (little kasi medyo payat pa ko noon). Pero okay lang, pagkatapos ng sem, mas mataas naman grade ko sa kanila haha.

ang hirap ng calculus lalo na kung wala kang maasahan na tutulong sayo. mag-isa ka lang, sariling diskarte.

2) F

mangiyak ngiyak ako dahil unang beses ko makatanggap ng F sa buong buhay ko. Masakit dahil ilang linggo akong nag-aral para rito. Unang long test ko nakakuha ata ako ng "C", sumunod itong F, nanganganib ako sa calculus, nanganganib din ang pag-aaral ko sa Ateneo. Concerned na rin yung professor sa mga nakukuha kong grade.

Humbling experience na rin dahil dito nakita ko na napakarami pang mas magaling sa akin. Lalo na yung katabi ko, si chester, ang talino pero walang yabang yung dude na yun.

Natakot talaga ako sa Calculus. pero unti-unti binago ko ang study habits ko. Mali kasi na mas concerned pa ko sa itsura ng notes ko kaysa pag-intindi ng lesson. (dahil para sa akin, sinasalamin ng kaayusan ng notes ang image ko...)

Mali talaga yung kokopya lang tapos pag-uwi sa bahay di ko maintindihan yung mga graphs at pagkuha ng 2nd derivative test.

Pinilit kong maging aktibo tuwing klase. Mahalaga talaga ang "here and now", parang sa buhay ganun din.

3) Nakaramdam ako ng sense of accomplishment

pagkatapos ng ilang linggo, umabot naman ako sa 3rd or 4th long test at nakakuha ako ng upper B na grade, halos B+ na rin yun.

sobrang tuwa ko, finally.

Hindi naman dahil lang sa grade, pero dahil sa natutunan ko kung pano mag-enjoy at ma-challenge sa calculus.

Marami pang mala-calculus na challenge na darating pa, pero hindi na ko matatakot.



"The limit does not exist"



shet ang cheesy.

fashion blog my foot

dahil sadyang hindi ako mapakali sa nangyayari ngayon sa buhay ko, kinailangan kong gumawa ng blog para makapag-parole (ano raw? parole? basahin ito) naman ako.

hindi ko alam kung ano man ang mga maisusulat ko rito pero panigurado hindi naman ito magiging fashion blog dahil hello, wala akong pera para bumili maya't maya sa cmg, prada, zara, o ano pang kakikayan sa greenbelt.. siguro may mga komento tungkol sa libro, isyung panlipunan, ekonomiks, pelikula, pilosopiya maya't maya... pero kadalasan mga karaniwang karanasan lang ng isang babaeng nagtatrabaho sa ayala na may saktong sweldo lang, zero love life at pang habambuhay na pangarap na pumayat,

kung wala kang ganong ginagawa, samahan mo ko, sana matuto tayo :)